Tagalog
Pagumpisa
1. Pumindot mula sa mga larawan sa ibaba upang pumunta sa kani-kanilang tindahan
o hanapin ang Homer - QO SHN sa Apple App Store
at Homer sa Google Play Store
2. Pindutin ang Download upang ma-install ang Homer app sa iyong telepono, pagkatapos ay pindutin ang Open upang ilunsad ang app.

3. Makikita mo ang Splash screen.

4. Ilagay ang numero ng iyong cellphone sa screen, at pindutin ang Get OTP.
Kung nagkaroon ng pagkakamali o “error” dito, ang numero ng iyong cellphone ay maaaring hindi pa aktibo para sa app, mangyaring punan ang form dito at kami ay makikipagugnayan sayo sa maikling panahon..

5. Ilagay ang 6 digits na PIN na matatanggap mo sa pamamagitan ng SMS, at pindutin ang Verify.

6. Ilagay ang postal code ng lokasyon kung saan ka mananatili para sa paghihiwalay sa sarili , at pindutin ang Confirm.

7. Makakakita ka ng iskrin na may gabay, pindutin ang Continue.

8. Kapag lumabas ang “Allow Homer to access location??”,
Para sa mga gumagamit ng iOS pindutin ang Allow While using App
at para sa mga gumagamit ng Android pindutin ang Allow All the Time.

8.1. Para sa mga gumagamit ng iOS kapag lumabas ang “Allow Homer to send push notifications?”, pindutin ang Allow.

9. Tapos na. Makikita mo na ngayon ang Home Iskrin.

10. Para sa mga Android, i-configure ang “battery settings” sa pamamagitan ng pagsunod sa “video tutorial” na ito para sa klase ng inyong telepono. Papayagan nito na magpadala ng ulat ng inyong lokasyon sa “background”.
[Huawei] [Oppo] [Samsung] [Vivo] [Xiaomi/Redmi]
Pagsumite ng Ulat
Kayo ay kinakailangan magsumite ng maramihang ulat sa loob ng isang araw. Ang gabay sa ibaba ay naiiba ayon kung ikaw ay may Babala-na-Manatili-sa-Bahay o Utos ng Pagkakuwarantina.
1. Pagpasa ng iyong larawan para sa pagpatunay ng pagkatao
1.1 Kapag lumabas na ang gabay sa pagkuha ng selfie, pindutin ang Camera upang magpatuloy.

1.2 Kapag humingi ng pahintulot sa camera,
para sa mga gumagamit ng iOS pindutin ang OK
at para sa mga gumagamit ng Android pindutin ang Allow

1.3 Ipantay ang iyong mukha at pindutin ang bilog upang makuha ang iyong selfie.

1.4 Ulitin kapag kinakailangan, at kung ayos na, pindutin ang Use Photo

2. Pagsumite ng ulat pang kalusugan
2.1 Punan ang mga detalye at pindutin ang Submit.
Ubo (Cough): Oo (Yes) / Hindi (No)
Pananakit ng lalamunan (Sore throat): Oo (Yes) / Hindi (No)
Sipon (Running Nose): Oo (Yes) / Hindi (No)
Pag igsi ng Hininga (Shortness of Breath): Oo (Yes) / Hindi (No)

Karagdagang Katanungan?
Makipagugnayan saamin dito at kami ay makikipagugnayan sa inyo sa maikling panahon.